Salmo 102:1-5 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Panginoon, pakinggan nʼyo ang aking dalangin.Ang paghingi ko sa inyo ng tulong ay inyong dinggin.

2. Sa oras ng aking paghihirap ay huwag sana kayong magtago sa akin.Pakinggan nʼyo ako at agad na sagutin.

3. Dahil ang buhay koʼy unti-unti nang naglalaho tulad ng usok;at ang katawan koʼy para nang sinusunog.

4. Akoʼy parang damong nalalanta na.Wala na akong ganang kumain

5. dahil sa labis na pagdaing.Parang butoʼt balat na lang ako.

Salmo 102