9. Naghihintay silang nakakubli na parang leon,upang sakmalin at kaladkarin ang mahihirap.
10. Dahil malakas sila, ibinabagsak nila ang mga kawawa,hanggang sa hindi na makabangon.
11. Ang akala nilaʼy hindi sila pinapansin ng Dios at hinding-hindi niya nakikita ang kanilang mga ginagawa.
12. Sige na Panginoong Dios, parusahan nʼyo na po ang mga taong masama.Huwag nʼyong pababayaan ang mga inaapi.
13. O Dios, bakit nilalait kayo ng mga taong masama?Sinasabi pa nila, “Hindi tayo parurusahan ng Dios.”
14. Ngunit nakikita nʼyo, O Dios, ang mga taong nagdurusa at naghihirap.Lumalapit sa inyo ang mga kaawa-awa tulad ng mga ulila,at nakahanda kayong tumulong sa kanila.
15. Alisan nʼyo ng lakas ang mga taong masama,at parusahan nʼyo sila hanggang sa silaʼy tumigil na sa paggawa ng masama.