Roma 3:7-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. Baka naman mayroon ding magsabi, “Kung sa aking pagsisinungaling ay lumalabas na hindi sinungaling ang Dios, at dahil dito papupurihan pa siya, bakit niya ako parurusahan bilang isang makasalanan?”

8. Kung ganito ang iyong pangangatwiran, para mo na ring sinasabi na gumawa tayo ng masama para lumabas ang mabuti. At ayon sa mga taong naninira sa amin, ganyan daw ang aming itinuturo. Ang mga taong iyan ay nararapat lamang na parusahan ng Dios.

9. Ano ngayon ang masasabi natin? Na tayo bang mga Judio ay talagang nakakalamang sa mga hindi Judio? Hindi! Sapagkat ipinaliwanag ko na, na ang lahat ng tao ay makasalanan, Judio man o hindi.

10. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan,“Walang matuwid sa paningin ng Dios, wala kahit isa.

11. Walang nakakaunawa tungkol sa Dios, walang nagsisikap na makilala siya.

12. Ang lahat ay tumalikod sa Dios at naging walang kabuluhan.Walang gumagawa ng mabuti, wala kahit isa.”

13. “Ang kanilang pananalitaʼy hindi masikmura tulad ng bukas na libingan.Ang kanilang sinasabiʼy puro pandaraya.Ang mga salita nilaʼy parang kamandag ng ahas.

14. Ang lumalabas sa kanilang bibig ay panay pagmumura at masasakit na salita.

15. Sa kaunting dahilan lang pumapatay agad sila ng tao.

16. Kapahamakan at hinagpis ang dala nila kahit saan.

Roma 3