Roma 11:27-36 Ang Salita ng Dios (ASND)

27. Gagawin ko ang kasunduang ito sa kanila sa araw na aalisin ko ang kanilang kasalanan.”

28. Dahil tinanggihan ng mga Judio ang Magandang Balita, naging kaaway sila ng Dios para kayong mga hindi Judio ay mabigyan ng pagkakataong maligtas. Pero kung ang pagpili ng Dios ang pag-uusapan, mahal pa rin sila ng Dios dahil sa kanilang mga ninuno.

29. Sapagkat ang Dios ay hindi nagbabago ng isip sa kanyang pagpili at pagpapala.

30. Dati, kayong mga hindi Judio ay suwail sa Dios, pero kinaawaan niya kayo dahil sa pagsuway ng mga Judio.

31. Ganoon din naman, kaaawaan niya ang mga Judio sa kabila ng pagkasuwail nila, tulad ng ginawa niya sa inyo.

32. Sapagkat hinayaan ng Dios na ang lahat ng tao ay maging alipin ng kasalanan para maipakita sa kanila ang kanyang awa.

33. Napakadakila ng kabutihan ng Dios! Napakalalim ng kanyang karunungan at kaalaman! Hindi natin kayang unawain ang kanyang mga pasya at pamamaraan!

34. Gaya nga ng sinasabi sa Kasulatan:“Sino kaya ang makakaunawa sa kaisipan ng Panginoon?Sino kaya ang makakapagpayo sa kanya?

35. Sino kaya ang makakapagbigay ng anuman sa kanyapara tumanaw siya ng utang na loob?”

36. Sapagkat ang lahat ng bagay ay nanggaling sa kanya, at nilikha ang mga ito sa pamamagitan niya at para sa kanya. Purihin ang Dios magpakailanman! Amen.

Roma 11