31. Dahil hindi tayo itatakwil ng Panginoon magpakailanman.
32. Pero kahit nagpaparusa siya, ipinapakita pa rin niya ang kanyang habag at ang napakalakiʼt walang hanggan niyang pag-ibig sa atin.
33. Dahil hindi siya natutuwa na tayoʼy saktan o pahirapan.
34. Ayaw ng Panginoon na apihin ang mga bilanggo,
35. o balewalain ang karapatan ng tao.
36. Ayaw din ng Kataas-taasang Dios na ipagkait ang katarungan sa sinumang tao. Nakikita niya ang lahat ng ito.
37. Walang anumang bagay na nangyayari na hindi pinahihintulutan ng Panginoon.
38. Ang Kataas-taasang Dios ang nagpapasya kung ang isang bagay na mabuti o masama ay mangyayari.
39. Kaya bakit tayo magrereklamo kung pinarurusahan tayo dahil sa ating kasalanan?
40. Ang dapat ay siyasatin natin ang ating pamumuhay at magbalik-loob sa Panginoon.
41. Buksan natin ang ating mga puso at itaas ang ating mga kamay sa Dios na nasa langit at sabihin:
42. “Panginoon, nagkasala po kami at naghimagsik sa inyo, at hindi nʼyo kami pinatawad.