Nehemias 11:1-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Nang panahong iyon, ang mga pinuno ng mga mamamayan ng Israel ay nakatira sa Jerusalem, ang banal na lungsod. Nagpalabunutan ang mga tao para sa bawat sampung pamilya ay may isang pamilyang maninirahan sa Jerusalem, habang ang ibaʼy mananatili sa mga bayan nila.

2. Pinuri ng mga tao ang lahat ng nagpasyang tumira sa Jerusalem.

5. Si Maaseya na anak ni Baruc. (Si Baruc ay anak ni Col Hoze. Si Col Hoze ay anak ni Hazaya. Si Hazaya ay anak ni Adaya. Si Adaya ay anak ni Joyarib. At si Joyarib ay anak ni Zacarias na mula sa angkan ni Shela.)

6. (Sa mga angkan ni Perez, 468 matatapang na lalaki na nakatira rin sa Jerusalem.)

7. Mula sa lahi ni Benjamin:Si Salu na anak ni Meshulam (si Meshulam ay anak ni Joed; si Joed ay anak ni Pedaya; si Pedaya ay anak ni Kolaya; si Kolaya ay anak ni Maaseya; si Maaseya ay anak ni Itiel; at si Itiel ay anak ni Jeshaya);

8. ang sumunod kay Salu ay sina Gabai at Salai, at ang 928 kamag-anak nila.

9. Si Joel na anak ni Zicri ang pinakapinuno nila at ang ikalawa sa kanya ay si Juda na anak ni Hasenua.

10. Mula sa mga Pari:Si Jedaya na anak ni Joyarib, si Jakin,

Nehemias 11