Mga Gawa 15:21-23 Ang Salita ng Dios (ASND)

21. Ito ang mga utos ni Moises na dapat nilang sundin para hindi mandiri ang mga Judio sa kanila, dahil mula pa noon, ang Kautusan ni Moises ay binabasa na ng mga Judio sa kanilang sambahan tuwing Araw ng Pamamahinga. At itinuturo nila ito sa bawat bayan.”

22. Nagkasundo ang mga apostol, ang mga namumuno sa iglesya at ang lahat ng mga mananampalataya na pipili sila ng mga lalaki mula sa kanilang grupo na ipapadala sa Antioc, kasama nina Pablo at Bernabe. Ang napili nilaʼy si Judas na tinatawag na Barsabas at si Silas. Ang mga taong ito ay iginagalang ng mga mananampalataya,

23. at sila ang magdadala ng sulat na ito:“Mula sa mga apostol at mga namumuno sa iglesya.“Mahal naming mga kapatid na hindi Judio riyan sa Antioc, Syria at Cilicia:

Mga Gawa 15