Mga Gawa 15:13-18 Ang Salita ng Dios (ASND)

13. Pagkatapos nilang magsalita, sinabi ni Santiago, “Mga kapatid, makinig kayo sa akin.

14. Ikinuwento sa atin ni Simon Pedro ang unang pagtawag ng Dios sa mga hindi Judio para may mga tao ring mula sa kanila na maging kanya.

15. Itoʼy ayon din sa mga isinulat ng mga propeta noon, dahil sinasabi sa Kasulatan,

16. ‘Pagkatapos nito, babalik ako,at itatayo kong muli ang kaharian ni David na bumagsak.Ibabangon ko itong muli mula sa pagkaguho,

17. para hanapin ako ng ibang tao – ang lahat ng hindi Judio na aking tinawag na maging akin. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito,

18. at matagal ko na itong ipinahayag.’ ”

Mga Gawa 15