Mateo 2:17-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

17. Sa ginawang kalupitan ni Herodes, natupad ang sinabi ni Propeta Jeremias,

18. “May narinig na iyakan at malakas na panaghoy sa Rama.Iniiyakan ni Raquel ang pagkamatay ng kanyang mga anak,at ayaw niyang magpaaliwdahil patay na ang mga ito.”

19. Nang mamatay na si Herodes, ang anghel ng Panginoon ay muling nagpakita sa panaginip ni Jose doon sa Egipto

20. at sinabi nito sa kanya, “Bumangon kaʼt iuwi na ang bata at ang kanyang ina sa bayan ng Israel, dahil patay na ang mga nagtatangka sa buhay ng bata.”

21. Kaya bumangon si Jose, at dinala ang mag-ina pauwi sa Israel.

Mateo 2