Marcos 9:45-46-50 Ang Salita ng Dios (ASND)

5. Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabutiʼt narito po kami! Gagawa kami ng tatlong kubol: isa po para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”

6. Ito ang nasabi niya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sapagkat sila ay takot na takot.

7. Pagkatapos, tinakpan sila ng ulap. At may narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!”

8. Tumingin sila agad sa paligid, pero wala nang ibang naroon kundi si Jesus na lang.

9. Nang pababa na sila sa bundok, pinagbilinan sila ni Jesus, “Huwag ninyong sasabihin kahit kanino ang nakita ninyo hanggaʼt ako na Anak ng Tao ay hindi pa muling nabubuhay.”

45-46. Kung ang paa mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, putulin mo! Mas mabuti pang isa lang ang paa mo pero may buhay na walang hanggan ka, kaysa sa dalawa ang paa mo pero itatapon ka naman sa impyerno.

47. At kung ang mata mo ang dahilan ng iyong pagkakasala, dukitin mo! Mas mabuti pang isa lang ang mata mo pero kabilang ka sa kaharian ng Dios, kaysa sa dalawa ang mata mo pero itatapon ka naman sa impyerno.

48. Ang mga uod doon ay hindi namamatay, at ang apoy ay hindi rin namamatay.

49. “Sapagkat ang lahat ay aasinan sa apoy.

50. Mabuti ang asin, pero kung mawalan ng lasa, wala nang magagawa upang ibalik ang lasa nito. Dapat maging tulad kayo sa asin na nakakatulong sa tao. Tulungan ninyo ang isaʼt isa upang maging mapayapa ang pagsasamahan ninyo.”

Marcos 9