Marcos 9:3-17 Ang Salita ng Dios (ASND)

3. Naging puting-puti ang damit niya at nakakasilaw tingnan. Walang sinuman dito sa mundo na makakapagpaputi nang katulad noon.

4. At nakita nila sina Elias at Moises na nakikipag-usap kay Jesus.

5. Sinabi ni Pedro kay Jesus, “Guro, mabutiʼt narito po kami! Gagawa kami ng tatlong kubol: isa po para sa inyo, isa para kay Moises at isa para kay Elias.”

6. Ito ang nasabi niya dahil hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin sapagkat sila ay takot na takot.

7. Pagkatapos, tinakpan sila ng ulap. At may narinig silang tinig mula sa ulap na nagsasabi, “Ito ang minamahal kong Anak. Pakinggan ninyo siya!”

8. Tumingin sila agad sa paligid, pero wala nang ibang naroon kundi si Jesus na lang.

9. Nang pababa na sila sa bundok, pinagbilinan sila ni Jesus, “Huwag ninyong sasabihin kahit kanino ang nakita ninyo hanggaʼt ako na Anak ng Tao ay hindi pa muling nabubuhay.”

10. Kaya hindi nila sinabi kahit kanino ang pangyayaring iyon. Pero pinag-usapan nila kung ano ang ibig niyang sabihin sa muling pagkabuhay.

11. Nagtanong sila kay Jesus, “Bakit sinasabi po ng mga tagapagturo ng Kautusan na kailangan daw munang dumating si Elias bago dumating ang Cristo?”

14. Pagdating nina Jesus sa kinaroroonan ng iba pa niyang mga tagasunod na naiwan, nakita nila na maraming tao ang nagtitipon doon. Naroon din ang ilang tagapagturo ng Kautusan na nakikipagtalo sa mga tagasunod ni Jesus.

15. Nabigla ang mga tao nang makita nila si Jesus, at patakbo silang lumapit at bumati sa kanya.

16. Tinanong ni Jesus ang mga tagasunod niya, “Ano ang pinagtatalunan ninyo?”

17. May isang lalaki roon na sumagot, “Guro, dinala ko po rito sa inyo ang anak kong lalaki dahil sinasaniban siya ng masamang espiritu at hindi na makapagsalita.

Marcos 9