Marcos 1:20-26 Ang Salita ng Dios (ASND)

20. Agad silang tinawag ni Jesus. Iniwan nila sa bangka ang ama nilang si Zebedee at ang mga tauhan nila, at sumunod kay Jesus.

21. Pumunta sina Jesus sa Capernaum. Nang dumating ang Araw ng Pamamahinga, pumunta sila sa sambahan ng mga Judio at doon ay nangaral si Jesus.

22. Namangha ang mga tao sa mga aral niya, dahil nangangaral siya nang may awtoridad, hindi tulad ng mga tagapagturo ng Kautusan.

23. May isang tao roon na sinasaniban ng masamang espiritu ang biglang nagsisigaw:

24. “Ano ang pakialam mo sa amin, Jesus na taga-Nazaret? Naparito ka ba upang puksain kami? Kilala kita. Ikaw ang Banal na sugo ng Dios!”

25. Pero sinaway ni Jesus ang masamang espiritu, “Tumahimik ka at lumabas sa kanya!”

26. Pinangisay ng masamang espiritu ang tao, at sumigaw siya habang lumalabas.

Marcos 1