16. Nakakaawa ang isang bansa na ang hari ay isip-bata at ang mga pinunoʼy puro handaan ang inaatupag.
17. Pero mapalad ang bansa na ang hari ay ipinanganak sa marangal na pamilya at ang mga pinuno ay naghahanda lang sa tamang panahon para sa ikalalakas at hindi sa paglalasing.
18. Pinapabayaan ng taong tamad na tumutulo ang bubong ng kanyang bahay hanggang sa mawasak na ang buong bahay niya.
19. Makapagpapasaya sa tao ang handaan at inuman; at ang pera ay makapagbibigay ng lahat niyang pangangailangan.
20. Huwag mong susumpain ang hari kahit sa isip mo lang o ang mayayaman kahit na palihim lang, dahil baka may magsabi sa kanila.