Lucas 17:18-21 Ang Salita ng Dios (ASND)

18. Bakit hindi bumalik ang iba upang magpuri sa Dios maliban sa taong ito na hindi Judio?”

19. Sinabi niya sa lalaki, “Tumayo ka at umuwi na. Iniligtas ka ng pananampalataya mo.”

20. Minsan, tinanong ng mga Pariseo si Jesus kung kailan magsisimula ang paghahari ng Dios. Sumagot siya, “Walang makikitang palatandaan na nagsisimula na ang paghahari ng Dios.

21. Kaya walang makapagsasabing, ‘Dito maghahari ang Dios!’ o, ‘Doon siya maghahari!’ Dahil naghahari na ang Dios sa puso ninyo.”

Lucas 17