3. Huwag nʼyong gawin ang mga ginagawa ng mga taga-Egipto, kung saan kayo tumira noon. Huwag din ninyong gayahin ang mga ginagawa ng mga taga-Canaan na pagdadalhan ko sa inyo.
6. Huwag kayong sumiping sa malapit ninyong kamag-anak. Ako ang Panginoon.
9. Huwag kang sumiping sa iyong kapatid na babae, kahit na kapatid mo siya sa ama o sa ina, kahit na lumaki siya sa inyo o hindi.
25-28. At kahit ang lupain ay nadungisan dahil sa ginawa nilang iyon. Pinadalhan ko ng mga salot ang lupaing iyon para silaʼy magsialis doon. Pero kayong mga katutubong Israelita at mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, huwag ninyong gawin ang kasuklam-suklam na gawaing iyon, kundi sundin ninyo ang mga tuntunin at mga kautusan ko. Sapagkat kung dudungisan din ninyo ang lupaing iyon, sa pamamagitan ng paggawa ng mga gawaing iyon, paaalisin ko rin kayo sa lupaing iyon katulad ng mga taong unang tumira roon.
29. Ang sinumang gumawa ng mga kasuklam-suklam na gawaing ito ay huwag na ninyong ituring na kababayan.
30. Kaya sundin ninyo ang iniuutos ko sa inyo at huwag ninyong susundin ang mga kasuklam-suklam na ginawa ng mga taong nauna sa inyo, para hindi ninyo madungisan ang inyong sarili katulad nila. Ako ang Panginoon na inyong Dios.