Leviticus 17:8-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Kayong mga taga-Israel at ang mga dayuhang naninirahang kasama ninyo, tandaan ninyo ito:Ang sinuman sa inyo na maghahandog ng anumang uri ng handog sa ibang lugar

9. at hindi sa may pintuan ng Tolda ay huwag na ninyong ituring na kababayan.

10. Ang sinuman sa inyo na kakain ng dugo ay magiging kalaban ng Panginoon at huwag na ninyong ituring na kababayan.

11. Sapagkat ang buhay ng bawat nilalang ay nasa kanyang dugo at iniutos sa inyo ng Panginoon na ang dugo ay gamitin ninyo bilang pantubos sa inyong mga kasalanan, dahil ang dugo ang nagbibigay ng buhay, ang siyang pantubos ng tao sa kanyang mga kasalanan.

Leviticus 17