9. Kapag tinuruan mo ang isang taong marunong, lalo siyang magiging marunong. At kapag tinuruan mo ang isang taong matuwid, lalo pang lalawak ang kanyang kaalaman.
10. Ang paggalang sa Panginoon ang pasimula ng karunungan. At ang pagkilala sa Banal na Dios ay nagpapahiwatig ng pagkaunawa.
11. Sa pamamagitan ng karunungan, hahaba ang iyong buhay.
12. Kung may karunungan ka, magdudulot ito sa iyo ng kabutihan, ngunit magdurusa ka kung itoʼy iyong tatanggihan.
13. Ang kamangmangan ay katulad ng isang babaeng maingay, hindi marunong at walang nalalaman.
14. Nakaupo siya sa pintuan ng kanyang bahay o sa upuan sa mataas na lugar sa lungsod,
15. at tinatawag ang mga dumadaan na papunta sa kanilang trabaho.
16. Sabi niya, “Halikayo rito, kayong mga walang karunungan.” At sinabi pa niya sa walang pang-unawa,