Kawikaan 31:22-27 Ang Salita ng Dios (ASND)

22. Siya na rin ang gumagawa ng mga kobre-kama, at ang kanyang mga damit ay mamahalin at magaganda.

23. Kilala ang asawa niya bilang isa sa mga tagapamahala ng bayan.

24. Gumagawa rin siya ng damit at sinturon, at ipinagbibili sa mga mangangalakal.

25. Malakas at iginagalang siya, at hindi siya nangangamba para sa kinabukasan.

26. Nagsasalita siya nang may karunungan, at nagtuturo nang may kabutihan.

27. Masipag siya, at inaalagaang mabuti ang kanyang pamilya.

Kawikaan 31