26. dahil makakaasa ka na babantayan ka ng Panginoon at ilalayo sa kapahamakan.
27. Hanggaʼt makakaya mo, tulungan mo ang mga dapat tulungan.
28. Huwag mo nang ipagpabukas pa, kung kaya mo naman silang tulungan ngayon.
29. Huwag mong pagplanuhan ng masama ang kapitbahay mo na nagtitiwala sa iyo.
30. Huwag kang makipagtalo sa kapwa mo nang walang sapat na dahilan, lalo na kung wala naman siyang ginawang masama sa iyo.