Kawikaan 25:10-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. Baka makarating sa kaalaman ng madla at kayoʼy maging kahiya-hiya.

11. Kapag ang salitang binigkas ay angkop sa pagkakataon, itoʼy parang gintong mansanas na nakalagay sa isang lalagyang pilak.

12. Sa taong nakikinig, ang magandang payo ng marunong ay higit na mabuti kaysa sa mga gintong alahas.

13. Ang mapagkakatiwalaang sugo ay nagbibigay ng kasiyahan sa kanyang pinaglilingkuran, tulad ng malamig na tubig sa panahon ng tag-init.

14. Ang taong hindi tumutupad sa kanyang pangako ay parang ulap at hangin na walang dalang ulan.

15. Ang mapagpasensya at ang mahinahon magsalita ay makapanghihikayat ng mga pinuno at kahit na ng may matitigas na puso.

16. Huwag kang kakain ng labis na pulot at baka magsuka ka.

Kawikaan 25