Kawikaan 2:4-9 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. na parang naghahanap ka ng pilak o anumang nakatagong kayamanan.

5. Kung gagawin mo ito, malalaman mo kung ano ang pagkatakot sa Panginoon at mauunawaan mo ang tungkol sa kanya.

6. Sapagkat ang Panginoon ang nagbibigay ng karunungan, kaalaman, at ng pang-unawa.

7-8. Iniingatan niya ang namumuhay nang matuwid, matapat, at walang kapintasan. Binibigyan din niya sila ng katagumpayan.

9. Kung makikinig ka sa akin, malalaman mo ang dapat mong gawin, ang tama, matuwid at nararapat.

Kawikaan 2