Kawikaan 13:23-25 Ang Salita ng Dios (ASND)

23. Umani man ng sagana ang lupain ng mahihirap, hindi rin sila makikinabang dito dahil sa hindi makatuwirang patakaran ng iba.

24. Ang mapagmahal na magulang ay nagdidisiplina ng kanyang anak. Sapagkat kung mahal mo ang iyong anak itutuwid mo ang kanyang ugali.

25. Ang taong matuwid ay makakakain ng sapat, ngunit ang masasama ay magugutom.

Kawikaan 13