3. Sa pamamagitan din nitoʼy magiging disiplinado ka, dahil itinuturo nito ang matuwid na paraan ng pamumuhay, mabuting pag-uugali, paggawa ng tama, at pagiging makatarungan.
4. Makapagbibigay ito ng karunungan sa mga walang kaalaman at sa kabataaʼy magtuturo ng tamang pagpapasya.
5. Sa pakikinig nito, ang marunong ay lalong magiging marunong at ang may pinag-aralan ay magiging dalubhasa,
6. upang maunawaan nila ang kahulugan ng mga kawikaan, mga talinghaga, at mga bugtong ng marurunong.
7. Ang pagkatakot sa Panginoon na may paggalang ang simula ng karunungan. Ngunit sa hangal, walang halaga ang karunungan at ayaw niyang maturuan upang maituwid ang kanyang pag-uugali.
8. Anak, dinggin mo ang turo at pagtutuwid sa iyong pag-uugali ng iyong mga magulang,
9. dahil itoʼy makapagbibigay sa iyo ng karangalan katulad ng koronang gawa sa bulaklak at makapagpapaganda katulad ng kwintas.
26-27. Pagtatawanan ko kayo kapag napahamak kayo;kukutyain ko kayo kapag dumating sa inyo ang paghihirap at mga pangyayaring nakakatakot gaya ng ipu-ipo at bagyo.
28. Tatawag kayo sa akin, ngunit hindi ko kayo sasagutin.Hahanapin ninyo ako ngunit hindi ninyo ako makikita.
29. Dahil ayaw ninyo na tinuturuan kayo at wala kayong takot sa Panginoon.
30. Tinanggihan ninyo ang mga payo ko at minasama ang aking pagsaway sa inyo.
31. Kaya aanihin ninyo ang bunga ng inyong mga ginagawa at pinaplanong masama.
32. Sapagkat ang katigasan ng ulo ng mga taong walang karunungan ang papatay sa kanila,at ang pagsasawalang-bahala ng mga hangal ang magpapahamak sa kanila.
33. Ngunit ang taong nakikinig sa akin ay mabubuhay ng matiwasay,ligtas siya sa panganib at walang katatakutan.”