33. Ang hangganan ng lupain nila ay nagsimula sa Helef at sa puno ng terebinto sa Zaananim papuntang Adami Nekeb at Jabneel hanggang sa Lakum, at nagtapos sa Ilog ng Jordan.
34. Mula roon, paliko ito sa kanluran papuntang Aznot Tabor, pagkatapos sa Hukok, hanggang sa hangganan ng Zebulun sa timog, sa hangganan ng Asher sa kanluran at sa Ilog ng Jordan sa silangan.
35. Ang mga napapaderang lungsod na sakop ng lupaing ito ay ang: Zidim, Zer, Hamat, Rakat, Kineret,
36. Adama, Rama, Hazor,
37. Kedesh, Edrei, En Hazor,
38. Iron, Migdal El, Horem, Bet Anat at Bet Shemesh – 19 na bayan lahat, kasama ang mga baryo sa paligid nito.
39. Iyon ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Naftali na hinati ayon sa bawat sambahayan.
40. Ang ikapitong pinartihan ng lupa ay ang mga sambahayan ng lahi ni Dan.
41. Ito ang mga bayan na sakop nila: Zora, Estaol, Ir Shemesh,
42. Shaalabin, Ayalon, Itla,
43. Elon, Timnah, Ekron,
44. Elteke, Gibeton, Baalat,
45. Jehud, Bene Berak, Gat Rimon,
46. Me Jarkon at Rakon, pati rin ang lupain na nakaharap sa Jopa.
47. Nahirapan ang mga lahi ni Dan sa pag-agaw ng lupain nila, kaya nilusob nila ang Leshem at pinatay ang mga naninirahan dito. Naagaw nila ito at doon sila tumira. Pinalitan nila ang pangalan nito ng Dan ayon sa pangalan ng ninuno nilang si Dan.
48. Ito ang mga bayan at baryo na natanggap ng lahi ni Dan na hinati ayon sa bawat sambahayan.
49. Pagkatapos hatiin ng mga Israelita ang lupain nila, binigyan nila si Josue na anak ni Nun ng bahagi niya.