1. Ang lupain na ibinigay sa mga lahi ni Jose ay nagsimula sa Ilog ng Jordan malapit sa Jerico, sa silangan ng mga bukal ng Jerico, papunta sa ilang at sa kabundukan hanggang sa Betel.
2. Mula sa Betel (na siyang Luz), dumaraan ito sa Atarot na kung saan nakatira ang mga Arkeo
3. at pababa sa kanluran papunta sa lugar ng mga Jafleteo, hanggang sa hangganan ng mababang Bet Horon. At nagpatuloy ito sa Gezer hanggang sa Dagat ng Mediteraneo.
4. Ito ang bahaging natanggap ng mga lahi nina Manase at Efraim na mga anak ni Jose.