Job 8:7-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. At ang kayamanang ibibigay sa iyo ay higit pa kaysa sa kayamanan mo noon.

8. “Tanungin mo ang mga matatanda. Alamin mo kung ano ang natutunan ng kanilang mga ninuno.

9. Sapagkat parang kailan lang tayo ipinanganak at kaunti lang ang ating nalalaman, at ang mga araw natin dito sa mundo ay tulad ng anino na hindi nagtatagal.

10. Pakinggan mo sila, at sasabihin nila sa iyo ang kanilang nalalaman.

11. “Hindi mabubuhay ang halamang tubig kung walang tubig.

12. Mamamatay iyon kahit na pasibol pa lang at hindi pa panahong putulin.

Job 8