Job 40:7-10 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. “Ihanda mo ang iyong sarili, at sagutin mo ang mga tanong ko.

8. “Gusto mo bang patunayan na mali ako para palabasin na ikaw ang tama?

9. Ikaw baʼy makapangyarihang tulad ko? Magagawa mo bang parang kulog ang tinig mo na katulad ng sa akin?

10. Kung magagawa mo iyan, patunayan mo na ikaw ngaʼy makapangyarihan, marangal at dakila.

Job 40