1. Nagsalita si Elifaz na taga-Teman. Sinabi niya,
2. “Magagalit ka ba kung magsasalita ako? Hindi ko na kayang manahimik.
3. Noon, pinapayuhan mo ang maraming tao na magtiwala sa Dios, at pinalalakas ang mahihina at nanlulupaypay.
4. Ang mga salita moʼy nagpalakas sa kanila at umalalay sa mga nanghihina.
5. Pero ngayong ikaw na ang dumaranas ng kahirapan, tila ikaw ang nanghihina at naguguluhan.