Job 39:2-13 Ang Salita ng Dios (ASND)

2. Binibilang mo ba ang mga buwan ng kanilang pagbubuntis hanggang sa sila ay manganak? At alam mo rin ba kung kailan sila manganganak?

3. Nakayukyok silaʼt nagtitiis ng hirap hanggang sa makapanganak.

4. Paglaki ng kanilang mga anak sa kagubatan, umaalis sila at hindi na bumabalik.

5. “Sino ang nagpalaya sa asnong-gubat?

6. Ibinigay ko sa kanya ang ilang para kanyang tirhan, pinatira ko siya sa lupaing pinabayaan.

7. Lumalayo siya sa maingay na bayan at ayaw niyang siya ay mapaamo.

8. Paikot-ikot siya sa mga kabundukan para maghanap ng sariwang pastulan.

9. “Mapagtatrabaho mo ba ang bakang-gubat? Mapapanatili mo kaya siya sa kanyang kulungan kung gabi?

10. Matatalian mo kaya siya at mapag-aararo sa iyong bukid?

11. Makakaasa ka kaya sa lakas niya para gawin ang mabibigat na gawain?

12. Maaasahan mo kaya siyang tipunin at hakutin ang iyong ani papunta sa giikan?

13. “Napakagandang tingnan ng pakpak ng malaking ibong kapag itoʼy pumapagaspas, pero hindi nito mapantayan ang ganda ng pakpak ng tagak.

Job 39