8. “Sino ang naglagay ng hangganan sa dagat nang bumulwak ito mula sa kailaliman?
9. Ako ang naglagay ng makapal na ulap at kadiliman bilang takip ng dagat.
10. Nilagyan ko ng hangganan ang dagat; parang pintuang isinara at nilagyan ng trangka.
11. Sinabihan ko ang dagat, ‘Hanggang dito ka lang at huwag kang lalampas; hanggang dito lang ang malalaki mong alon.’
12. “Minsan ba sa buhay mo Job ay nautusan mo ang umaga na magbukang-liwayway
13. para ang ningning nito ay lumiwanag sa buong mundo at mapatigil ang kasamaang ginagawa kapag madilim?
14. At dahil sa sikat ng araw, ang daigdig ay malinaw na nakikita katulad ng marka ng pantatak at lukot ng damit.
15. Ang liwanag ay nakakapigil sa masasama, dahil hindi sila makakagawa ng karahasan sa iba.
16. “Ikaw baʼy nakapunta na sa mga bukal na nasa ilalim ng dagat o sa pinakamalalim na bahagi ng dagat?
17. Naipakita na ba sa iyo ang mga pintuan patungo sa lugar ng mga patay?
18. Alam mo ba kung gaano kalaki itong mundo? Sabihin mo sa akin kung alam mo ang lahat ng ito!
19. “Alam mo ba kung saan nanggaling ang liwanag at dilim?
20. At kaya mo ba silang pabalikin sa kanilang pinanggalingan?
21. Oo nga pala, alam mo ang lahat ng ito dahil ipinanganak ka na bago pa likhain ang mga ito at matagal na panahon ka nang nabubuhay!
22. “Nakapunta ka na ba sa lugar na pinanggagalingan ng nyebe o ulan na yelo?