24. Alam mo ba ang daan patungo sa lugar na pinanggagalingan ng kidlat, o sa lugar na pinanggagalingan ng hanging silangan?
25. Sino nga ba ang gumawa ng dadaanan ng ulan at ng bagyo?
26. Sino nga ba ang nagpapadala ng ulan sa disyerto, sa lugar na walang nakatirang tao?
27. Sino ang nagpapadala ng ulan sa ilang para tumubo ang mga damo?
28. Sino ang ama ng ulan, ng hamog,
29. at ng yelong mula sa langit?
30. Ang tubig ay nagyeyelo na kasingtigas ng bato, pati na ang itaas na bahagi ng dagat.
31. “Kaya mo bang talian o kalagan ng tali ang grupo ng mga bituin na tinatawag na Pleyades at Orion?