Job 37:8-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Nagtatago ang mga hayop sa kanilang mga taguan at nananatili roon kapag may bagyo.

9. Dumadating ang bagyo at ang hanging malamig mula sa kanilang taguan.

10. Sa pamamagitan ng hininga ng Dios nabubuo ang yelo, at nagiging yelo ang malalawak na bahagi ng tubig.

11. Pinupuno niya ng tubig ang mga ulap at pinakikidlat ito.

12. Sa kanyang utos, nagpapaikot-ikot sa buong mundo ang mga ulap.

13. Ginagamit niya ang mga ito upang ituwid ang tao, o ipadama ang kanyang pag-ibig.

14. “Job, pakinggan mo ito, at pagbulay-bulayan ang mga kahanga-hangang bagay na ginagawa ng Dios.

15. Alam mo ba kung paano inuutusan ng Dios ang ulap, at kung paano siya nagpapakidlat mula rito?

16. Alam mo ba kung paano lumulutang ang mga ulap? Ang lahat ng itoʼy kahanga-hangang gawa ng Dios na ang dunong ay walang hangganan.

Job 37