Job 35:8-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

8. Ang maaapektuhan lamang sa ginagawa mong mabuti o masama ay ang iyong kapwa.

9. “Ang mga inaapi ay humihingi ng tulong na iligtas sila sa kamay ng mga makapangyarihang tao.

10. Pero hindi sila tumatawag sa Dios na lumikha sa kanila at nagbibigay ng kalakasan sa panahon ng paghihirap.

11. Hindi sila lumalapit sa Dios na nilikha silang higit na marunong kaysa sa mga hayop at ibon.

12. At kung mananalangin sila, hindi sila sinasagot ng Dios dahil mayayabang sila at masasamang tao.

Job 35