Job 35:11-16 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Hindi sila lumalapit sa Dios na nilikha silang higit na marunong kaysa sa mga hayop at ibon.

12. At kung mananalangin sila, hindi sila sinasagot ng Dios dahil mayayabang sila at masasamang tao.

13. Tunay ngang hindi dinidinig ng Makapangyarihang Dios ang walang kabuluhang paghingi nila ng tulong.

14. Job, lalo ka lang niyang hindi pakikinggan kung sasabihin mong hindi mo nakikita ang kanyang tulong nang idinulog mo ang iyong kalagayan, at pinaghihintay ka lang.

15. Sinabi mo rin na hindi nagpaparusa ang Dios kahit galit siya, at hindi niya pinapansin ang kasamaang ginagawa ng tao.

16. Job, walang saysay ang sinasabi mo. Talagang malinaw na hindi mo alam ang iyong sinasabi.”

Job 35