4. Alam ng Dios ang lahat ng aking ginagawa.
5. Kung nagsinungaling man ako at nandaya,
6. hahayaan kong hatulan ako ng Dios, dahil siya ang nakakaalam kung nagkasala nga ako.
7. Kung hindi ako sumunod sa tamang daan, o kung sinunod ko ang nais ng aking mata, at dinungisan ko ang aking sarili,
8. masira nawa ang aking mga pananim o di kayaʼy pakinabangan ng iba.
9. Kung naakit ako ng ibang babae o napaibig sa asawa ng aking kapwa,
10. kunin nawa at sipingan ng ibang lalaki ang asawa ko.
11. Sapagkat ang pangangalunya ay kasalanang nakakahiya, at dapat na parusahan ang taong ganyan ang ginagawa.