Job 27:9-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Didinggin kaya ng Dios ang paghingi niya ng tulong kung dumating sa kanya ang kagipitan?

10. Matutuwa kaya siya sa Makapangyarihang Dios? Tatawag kaya siya sa kanya sa lahat ng oras?

11. “Tuturuan ko sana kayo ng tungkol sa kapangyarihan ng Dios. Sasabihin ko sa inyo ang mga pamamaraan niya.

12. Pero alam na pala ninyo ang lahat ng ito. Kaya bakit pa kayo nagsasalita sa akin ng walang kabuluhan?

13. “Ito ang kapalaran na itinakda ng Makapangyarihang Dios sa taong masama at malupit.

14. Kahit gaano kadami ang anak niya, mamamatay ang iba sa kanila sa digmaan at ang iba naman ay sa gutom.

Job 27