Job 22:14-20 Ang Salita ng Dios (ASND)

14. Napapalibutan nga siya ng makapal na ulap, kaya hindi niya tayo makikita habang naglalakad siya sa itaas ng langit.’

15. “Patuloy ka bang susunod sa pag-uugaling matagal ng sinusunod ng taong masasama?

16. Namatay sila nang wala pa sa panahon; katulad sila ng pundasyon ng bahay na tinangay ng baha.

17. Sinabi nila sa Makapangyarihang Dios, ‘Hayaan mo na lamang kami! Ano bang magagawa mo para sa amin?’

18. Pero ang Dios ang pumuno ng mabubuting bagay sa bahay nila. Kaya anuman ang ipapayo nitong mga taong masama ay hindi ko tatanggapin.

19. “Kapag nakita ng mga taong matuwid at walang kasalanan ang kapahamakan ng mga taong masama, matutuwa sila at magdiriwang.

20. Sasabihin nila, ‘Napahamak na ang mga kaaway natin, at natupok sa apoy ang kayamanan nila.’

Job 22