6. Kahit na kasintaas ng langit at ulap ang tingin niya sa kanyang sarili,
7. mawawala rin siya magpakailanman katulad ng kanyang dumi. Ang mga kakilala niyaʼy magtataka kung nasaan na siya.
8. Mawawala siya na parang isang panaginip o pangitain sa gabi at hinding-hindi na matatagpuan.
9. Hindi na siya makikita ng mga nakakakilala sa kanya at mawawala siya sa dati niyang tirahan.
10. Ang mga anak niya ang magbabayad ng mga ninakaw niya sa mga dukha.
11. Malakas at bata pa siyang mamamatay at ililibing.
12. “Ang paggawa niya ng masama ay parang pagkaing matamis sa kanyang bibig
13. na nginunguyang mabuti at ninanamnam.
14. Pero pagdating sa tiyan, ito ay nagiging maasim at lalason sa kanya na parang kamandag ng ahas.
15. Isusuka niyang parang pagkain ang kayamanang ninakaw niya. Ipapasuka ito ng Dios sa kanya kahit itoʼy nasa tiyan na niya.
16. Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas at ang pangil ng ahas ang papatay sa kanya.