Job 20:16-26 Ang Salita ng Dios (ASND)

16. Sisipsipin niya ang kamandag ng mga ahas at ang pangil ng ahas ang papatay sa kanya.

17. Hindi na niya matitikman ang saganang langis, gatas, at ang pulot na dumadaloy na parang batis o ilog.

18. Hindi siya gagantimpalaan para sa kanyang pinaghirapan o matutuwa man sa kanyang kayamanan.

19. Sapagkat inapi niya at pinabayaan ang mga dukha, at inagaw ang mga bahay na hindi sa kanya.

20. “Hindi niya mapapakinabangan ang kanyang pinaghirapan. Lahat ng magugustuhan niya ay hindi makakaligtas sa kanya.

21. Wala ng matitira sa kanya na makakain niya dahil mawawala ang kanyang kayamanan.

22. Sa kanyang kasaganaan, darating sa kanya ang kahirapan. Labis na paghihirap nga ang darating sa kanya.

23. Bubusugin siya ng Dios ng paghihirap. Patitikimin siya ng Dios ng kanyang matinding galit, at pauulanan ng parusa.

24. Maaaring makatakas siya sa sandatang bakal pero tatamaan din siya ng panang tanso.

25. Tutusok ito sa kanyang apdo at tatagos sa kanyang katawan. At makakaramdam siya ng takot.

26. Mawawala ang kanyang kayamanan sa kadiliman. Susunugin siya ng apoy na hindi tao ang nagpaningas, pati na ang lahat ng naiwan sa kanyang tirahan.

Job 20