Job 14:7-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

7. “Kapag pinutol ang isang puno, may pag-asa pa itong mabuhay at tumubong muli.

8. Kahit na matanda na ang ugat nito at patay na ang tuod,

9. tutubo itong muli na parang bagong tanim kapag nadiligan.

10. Pero kapag ang taoʼy namatay, mawawala na ang lakas niya. Pagkalagot ng hininga niya, iyon na ang wakas niya.

11. Kung papaanong bumababa ang tubig sa dagat at natutuyo ang mga ilog,

12. gayon din naman, ang taoʼy namamatay at hindi na makakabangon pa o magigising sa kanyang pagkakatulog hanggang sa maglaho ang langit.

13. “Panginoon, itago nʼyo na lamang po sana ako sa lugar ng mga patay hanggang sa mawala ang galit nʼyo sa akin, at saka nʼyo ako alalahanin sa inyong itinakdang panahon.

14. Kung mamatay ang tao, mabubuhay pa kaya ito? Kung ganoon, titiisin ko ang lahat ng paghihirap na ito hanggang sa dumating ang oras na matapos ito.

Job 14