Job 14:4-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. May tao bang nabubuhay na lubusang matuwid? Wala! Sapagkat ang lahat ay ipinanganak na makasalanan.

5. Sa simula paʼy itinakda nʼyo na kung gaano kahaba ang itatagal ng buhay ng isang tao. At hindi siya lalampas sa itinakda nʼyong oras sa kanya.

6. Kaya hayaan nʼyo na lamang siya para makapagpahinga naman siya katulad ng isang manggagawa pagkatapos magtrabaho.

7. “Kapag pinutol ang isang puno, may pag-asa pa itong mabuhay at tumubong muli.

8. Kahit na matanda na ang ugat nito at patay na ang tuod,

9. tutubo itong muli na parang bagong tanim kapag nadiligan.

10. Pero kapag ang taoʼy namatay, mawawala na ang lakas niya. Pagkalagot ng hininga niya, iyon na ang wakas niya.

11. Kung papaanong bumababa ang tubig sa dagat at natutuyo ang mga ilog,

Job 14