Job 11:4-15 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Sinasabi mong tama ang iyong paniniwala at matuwid ka sa paningin ng Dios.

5. Magsalita sana ang Dios laban sa iyo,

6. at sabihin sa iyo ang mga bagay na hindi mo pa alam. May mga bagay na alam mo na at may mga bagay ding hindi mo pa alam. Alam mo bang ang parusa ng Dios sa iyo ay kulang pa sa nararapat sa iyo?

7. “Kaya mo bang unawain ang lahat-lahat tungkol sa Dios?

10. “Halimbawang dakpin ka ng Dios, iharap sa hukuman at ipakulong, may makakapigil ba sa kanya?

11. Alam niya kung sino ang mga mandaraya at hindi lingid sa kanya ang kanilang kasamaan.

12. Ang mangmang ay imposibleng maging marunong gaya ng asnong-gubat na imposibleng manganak ng tao.

13. “Job, kung magsisisi ka at lalapit sa Dios,

14. at tatalikuran ang iyong mga kasalanan, at kung pati ang sambahayan mo ay magsisisi sa kanilang kasalanan,

15. tiyak na hindi ka na mapapahiya, tatatag ang iyong pamumuhay at wala ka nang katatakutan.

Job 11