Hukom 9:47-55 Ang Salita ng Dios (ASND)

47. Nang malaman ito ni Abimelec,

48. dinala niya ang mga tauhan niya sa Bundok ng Zalmon. Pagdating nila roon, kumuha si Abimelec ng palakol at namutol ng ilang sanga ng kahoy at pinasan. Ganito ang ipinagawa niya sa kanyang mga tauhan.

49. Bawat isa sa kanila ay pumasan ng kahoy at iniligay sa paligid ng pader ng templo ng El Berit at sinindihan ito. Kaya namatay ang lahat ng tao na nakatira roon sa Tore ng Shekem. Mga 1,000 silang lahat pati mga babae.

50. Pagkatapos, pumunta sina Abimelec sa Tebez at sinakop din nila ito.

51. Pero may matatag doon na tore na kung saan tumatakas ang mga taga-Tebez. Isinasara nila ito at umaakyat sila sa bubungan ng tore.

52. Nilusob ni Abimelec ang tore. At nang susunugin na sana niya ito,

53. hinulugan siya ng babae ng gilingang bato at pumutok ang kanyang ulo.

54. Agad niyang tinawag ang tagadala ng armas niya at sinabihan, “Patayin mo ako ng espada mo para hindi nila masabi na isang babae lang ang nakapatay sa akin.” Kaya pinatay siya ng kanyang utusan.

55. Nang makita ng mga tauhan ni Abimelec na patay na siya, nagsiuwi sila.

Hukom 9