Hoseas 6:9-11 Ang Salita ng Dios (ASND)

9. Ang inyong mga pari ay parang mga tulisan na nag-aabang ng kanilang mabibiktima. Pumapatay sila sa daang patungo sa Shekem, at gumagawa ng marami pang nakakahiyang gawain.

10. Mga taga-Israel, kakila-kilabot ang nakita ko sa inyo. Sumasamba kayo sa mga dios-diosan, kaya naging marumi kayo.

11. Kayo ring mga taga-Juda ay nakatakda nang parusahan.“Gusto ko sanang ibalik ang mabuting kalagayan ng aking mga mamamayan.”

Hoseas 6