Hoseas 11:10-12 Ang Salita ng Dios (ASND)

10. “Susunod kayo sa akin kapag umatungal ako na parang leon. At kapag umatungal na ako, dali-dali kayong uuwi mula sa kanluran.

11. Mabilis kayong darating na parang mga ibon mula sa Egipto o parang mga kalapating mula sa Asiria. Pauuwiin ko kayong muli sa inyong mga tahanan. Ako, ang Panginoon, ang nagsasabi nito.”

12. Sinabi pa ng Panginoon, “Palagi akong pinagsisinungalingan at niloloko ng mga taga-Israel. Ang mga taga-Juda ay patuloy na lumalayo sa akin, ang Dios na banal at tapat.”

Hoseas 11