Hoseas 11:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)

1. Sinabi ng Panginoon, “Minahal ko ang Israel noong kabataan niya. Itinuring ko siyang anak at tinawag ko siya mula sa Egipto.

2. Pero ngayon, kahit na patuloy kong tinatawag ang mga mamamayan ng Israel, lalo pa silang lumayo sa akin. Naghahandog sila at nagsusunog ng mga insenso sa dios-diosang si Baal.

3. Ako ang nag-alaga sa kanila. Inakay ko sila at tinuruang lumakad, pero hindi nila kinilala na ako ang kumalinga sa kanila.

4. Pinatnubayan ko sila nang buong pagmamahal, tulad ng isang taong nag-aangat ng pamatok sa baka upang mapakain ito.

Hoseas 11