Hebreo 1:4-8 Ang Salita ng Dios (ASND)

4. Kaya naging mas dakila ang Anak ng Dios kaysa sa mga anghel at higit na dakila ang pangalan niya kaysa sa kanila.

5. Sapagkat kailanman, wala ni isa man sa mga anghel ang sinabihan ng Dios ng ganito:“Ikaw ang Anak ko,at ngayon, ipapahayag ko na ako ang iyong Ama.”At wala ring sinabihan ang Dios nang ganito sa sinumang anghel:“Akoʼy magiging Ama niya,at siyaʼy magiging Anak ko.”

6. At nang isusugo na ng Dios ang kanyang bugtong na Anak sa mundo, sinabi niya,“Dapat siyang sambahin ng lahat ng anghel ng Dios.”

7. Ito ang sinabi ng Dios tungkol sa mga anghel:“Ang mga anghel ay magagawa kong hangin.Sila na mga lingkod ko ay magagawa ko ring nagliliyab na apoy.”

8. Ngunit ito naman ang sinabi ng Dios tungkol sa kanyang Anak:“O Dios, ang kaharian mo ay magpakailanman at ang paghahari moʼy makatuwiran.

Hebreo 1