Hebreo 1:11-14 Ang Salita ng Dios (ASND)

11. Maglalaho ang mga ito, ngunit mananatili ka magpakailanman.Maluluma itong lahat tulad ng damit.

12. Titiklupin mo ang mga ito tulad ng isang balabal, at papalitan tulad ng damit.Ngunit hindi ka magbabago, at mananatili kang buhay magpakailanman.”

13. Kailanmaʼy hindi sinabi ng Dios sa sinumang anghel:“Maupo ka sa kanan ko hanggang mapasuko ko sa iyo ang mga kaaway mo.”

14. Kung ganoon, ang mga anghel ay mga espiritung naglilingkod lang sa Dios, at sinusugo niya para tumulong sa mga taong tatanggap ng kaligtasan.

Hebreo 1