5. Darating kayong may dalang mga salot.
6. Kapag tumayo kayo ay nayayanig ang mundo, at kapag tumingin kayo ay nanginginig sa takot ang mga bansa at gumuguho ang sinaunang kabundukan at kaburulan. Ang inyong mga pamamaraan ay mananatili magpakailanman.
7. Nakita kong nagiba ang mga tolda sa Cushan at sa Midian.
10. Ang mga bundok ay parang mga tao na nanginig nang makita nila kayo. Umulan nang malakas; umugong ang tubig sa dagat at lumaki ang mga alon.
11. Tumigil ang araw at ang buwan sa kanilang kinaroroonan sa kislap ng nagliliparan nʼyong pana at kumikinang nʼyong sibat.
12. “Sa inyong matinding galit ay tinapakan nʼyo ang mundo at niyurakan ang mga bansa,