1. Hindi kinalimutan ng Dios si Noe at ang mga kasama niyang hayop sa loob ng barko. Kaya pinaihip niya ang hangin sa mundo at dahan-dahang bumaba ang tubig.
2. Tinakpan niya ang mga bukal at pinahinto ang ulan.
3. Patuloy ang pagbaba ng tubig sa loob ng 150 araw.
4. At nang ika-17 araw ng ikapitong buwan, sumadsad ang barko sa Bundok ng Ararat.
5. Patuloy ang pagbaba ng tubig. At nang unang araw ng ikasampung buwan, nakikita na ang tuktok ng mga bundok.
6. Pagkalipas ng 40 araw mula ng panahon na nakita na ang tuktok ng mga bundok, binuksan ni Noe ang bintana ng barko